Saturday, January 12, 2008

Marc Gueco - ika-limang nanalo ng Ginoong Pilipinas-USA

Si Marc Gueco ang nanalo ng titulo bilang Ginoong Pilipinas-USA 2008 na ginanap sa Kalayaan Hall ng Philippine Consulate sa New York City nitong nakaraang Disyembre 7, 2007. Ang CBS news anchorwoman - NY edition, na si Kristine Johnson ang host nito, kasama ng Ginoong Pilipinas 2003 1st runner-up winner na si Nomer Yuzon. Naghandog ng piling awiting sina Ali Ewoldt (gumanap na Cosette sa Les Miserable sa Broadway) at ang lokal na manganganta na si si Bill Cipriano.

Sa tanong na 'What is the meaning of being 'a fulfilled gentleman' and why?" maagap ang sagot ni Gueco ---"Being a fulfilled gentleman is a man who treats everyone with courtesy and respect, because that is God wants us to treat each other. And a man can be fulfilled if he could make even such a small difference in this world."

Natanggap ni Marc Gueco ang $1,000.00 cash prize, ang Ginoong Pilipinas USA 2008 sash at ang custom-made trophy. Si Marc Gueco ang kakatawan sa India para sa isang internasyonal kompetisyon kung saan mahigit na 50 bansa ang maglalaban-laban.

Past winners of this competition continues to promote the beauty and diversity of the Filipino people and the Philippine culture. Ang Ginoong Pilipinas ay may layunin din na makatulong sa mga iba't-ibang charitable events which benefits various humanitarian causes. Nitong nakaraang Ginoong Pilipinas pageant, beneficiary nito ang Southern California Wildfire Relief efforts.

Si Marc Gueco ay may taas na anim na talampakan. Ipinanganak ito sa Maynila, Pilipinas. Nagtapos ito ng Bachelor of Science in Management degree sa La Salle University bago ito nag-migrate kasama ng kanyang pamilya, sa Michigan nuong 1997. Lumipat si Marc sa Las Vegas at nagtrabaho bilang isang realtor. Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marc para i-pursue ang acting at modeling career nito. Samantala, nagtratrabaho rin ito sa isang mortgage company, ang Asset Management Corporation.


Labin-dalawang taon nang unang maging active sa pagmo-model si Marc. He has appeared in several television commercials and print advertisements. Kabilang dito ang mga sumusunod: Carl's Jr. Restaurants, Hooters, MGM Studio 54, and most of all major high end casino hotels and resorts in Las Vegas katulad ng Bellagio, Wynn, Mandalay Bay, MGM, at iba pa. Nagtrabaho rin si Marc ng limang taon bilang instructor ng John Robert Powers Modeling Agency at ng International Model Talent Association (IMTA). Karamihan sa mga komersiyal na ginawa ni Marc ay nakuha nito sa sariling koneksyon.

Ang Ginoong Pilipinas-USA 2008 ay prodyus ng Philippines News New York bureau editor-in-chief na si Elton Lugay. Kabilang sa mga hurado ng Ginoong Pilipinas USA 2008 ay ang mga sumusunod: Los Angeles-Patron of the Arts - Mr. Bong Prada Lim (Chairman of the Board), April Tiamzon (Asian Journal Publications Associate Director, New York), Tom Scarangelli (New York Police Dept.), Danny Pagsambugan (Bb. Pilipinas Pageant - Jersey City, NJ Executive Franchise Producer), Emerald Damian, Grace Edwards (fashion designer-NY), at Jing Monsanto (San Francisco, CA).

Ang susunod na Ginoong Pilipinas ay gaganapin sa Los Angeles sa Hunyo 28, 2008. Sinuman ang gustong sumali, maaari kayong mag-email sa oliver@iatalent.com ng inyong bio at maglakip ng larawan: headshots, half at full body shots. Browse more pics at www.HollywoodFLIP.com Photo Gallery.

By Oliver Carnay